♥ LOVE ♥

Lunes, Setyembre 26, 2011

Ang mga Sulat

Ang mga sulat na iyon para sa lalaking  minahal ko.. Yun ang simbolo ng totoong pagmamahal na binigay ko sa isang tao. Kasama ng mga sulat na yun ang masasaya at karamihan ay mapapait na alaala. Lahat ng sakit tinago ko dun. Lahat ng kalungkutan doon ko itinapon.
Ngayon, masaya na ako kahit mag-isa lang ako. Kahit papano may mga taong laging nandyan para magbahagi ng kasiyahan, kalokohan, at kung anu-ano pa.
Sa totoo lang, mas marami pang bagay ang dapat kong ipagpasalamat. Buti naman lahat ng yun ay narealize ko na. Kung hindi, siguro lugmok na lugmok pa rin ako ngayon. Aaminin ko naman na mahirap talaga mag move on lalo na’t minahal ko ng sobra yung taong yun. Pero kahit ano pang mangyari, nagawa ko pa ring makalimutan lahat ng nangyari at muling ipagpatuloy ang buhay kong masaya at osam! :D
Sana’y maging inspirasyon ito sa ilan sa atin. Marami pa tayong kailangang matutunan. At siguro ang pinaka-importante dun ay ang salitang pagtanggap. Yan ang susi sa problema ng mga bigo sa pag-ibig, katulad ko noon. HAHA! Alam kong mahirap, pero kailangan nating gawin para ang salitang kalayaan ay makamtan at magkaroon tayong lahat ng bagong pag-asa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento