♥ LOVE ♥

Lunes, Setyembre 26, 2011

Natatakot ako. :(

Bakit kaya pag nilalagnat ka, hinahanap hanap mo yung taong pinakaimportante sayo? Yung tipong gusto mo nasa tabi mo lang sya. Yung gusto mo eh kayakap mo sya buong araw. Nung bata ako, iiyak ako pag nilalagnat ako at wala si NANAY KO. Tatawagin ko pa yung pangalan niya habang iniinda yung sakit.
Iba na ngayon. Nag-iisip na ako kung paanong makakasama si D ulit. Yuck. Dalaga na ako. Hahahaha. Tangina.
Natatakot ako. Baka huli na ang lahat eh. Baka wala na akong pag-asang bumalik. O iniisip ko to dahil may sakit ako? Diba pag may sakit, may diperensya konti ang utak? O pag may sakit, nalalabas ang kalaliman ng pag-iisip?
Bullshit. Di ako pwedeng umabsent bukas. Baka ma-FA na ako sa PROGRAMMING . Gagala sila ate ngayon. Bibili ng mga luho. Di ako sasama. Mag-aaral na lang ako. With matching bilin, syempre.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento