♥ LOVE ♥

Martes, Setyembre 27, 2011

unting pagbabago :))

Nakakatawa. Alam mo bang simula nang makilala kita, unti-unting nawala yung kalandian ko? Yung kalandian kong umiikot ng 360 degrees yung ulo ko pag may nakitang gwapo. Lalo ngayon, halos dedma na lang. Di na ako nagde-daydream ng love stories tungkol sa mga gwapong nakakasalubong ko lang sa kung saan. Di na ako tumitingin ng dalawang beses sa mga gwapo. Kinikilig pa rin ako, pero “pilit” kasi kailangan kong kiligin sa kanila para hindi na ako kiligin sayo. Gets mo? Ewan ko ba. Aanhin ko naman yung mga gwapong yun? Andyan lang sila ng dalawang minuto. Bakit ko sila pag-aaksayahan ng panahon kung hindi ko na rin naman sila makikita? At aanhin ko sila kung ikaw nga na malapit lang sakin, na ni hindi ko makuha?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento