Mahal kita
Matagal ko nang gustong malaman mo. Matagal ko nang itinatago-tago ‘to nahihiyang magsalita at umuurong aking dila pwede bang bukas na, ipagpaliban muna natin ‘to. Dahil kumukuha lang ng tyempo upang sabihin sa iyo
Mahal kita pero hindi mo lang alam
mahal kita pero hindi mo lang ramdam
mahal kita kahit hindi mo na ako tinitignan
mahal kita kahit hindi mo lang alam
Matagal ko nang gustong sabihin ito . Matagal ko nang gustong aminin sa ‘yo
sandali, eto na at sasabihin ko na nga ngayon na, mamaya o baka pwedeng bukas na.
Mahal kita pero hindi mo lang alam, hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan. Ayaw mo naman itanong sa ‘kin kasi baka nga naman hindi naman ikaw at hindi ko rin naman sa ‘yo sasabihin kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw. Mahal kita pero hindi nga lang halata. Hindi halata kasi wala nga naman akong ginagawa. Hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala pero hindi ako torpe. Hindi ko lang talaga masabi sa ‘yo nang harapan.
Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam. Hindi mo ko titignan, hindi rin kita titignan. Lagi mo lang akong pakikiramdaman, lagirin kitang pakikiramdaman at araw-araw tayong magdededmahanhanggang sa tayo ay magkabistuhan.
-Mahal Kita Pero Di Mo Lang Alam – Rocksteddy
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento