16. pala. ngayon. Okay. Eh ano naman? Ayan, mahilig akong magkunwaring walang pakialam. Parang walang naaalala sa numerong yan.
Nakakatuwang isipin pero yung dating numerong gustong gusto mo eh ngayon ay kulang na lang gusto mong ipatanggal na sa kalendaryo. Kita mo nga, naalala ko pa rin oh. Parang involuntary talaga, bigla mo na lang maaalala. Oo nga 18 pala ngayon.
Dati masayang masaya ako kapag dumarating na ang numero na yan. Isang mahalagang alaala na naman kasi ang mabubuo namin. Makakasama ko na naman sya ng isang araw. Ang saya saya ko nun. Pero ngayon, wala na. Isang ordinaryong araw na lang ito. Parang wala na ring kwenta. Mahirap pala talaga kapag tumatatak na ang isang bagay sa isip mo. Napakahirap. Parang lalamunin ka ng buong buo.
Salamat na lang 16. Napasaya mo naman ako kahit papano eh. Pero pwede ba wag ka nang magparamdam. Stay put ka na lang dyan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento