♥ LOVE ♥

Lunes, Setyembre 26, 2011

I hope you like me as I am.



Yung inaakala mong okay ka na talaga. Pero hindi pa pala. Nakakainis lang yung ganung pakiramdam. Halos matulala ka na lang sa isang tabi at parang sobrang lalim ng iniisip, mukha ka pang tanga. Ang hirap talagang kalabanin ng pakiramdam na yan. Kulang na lang i-delete mo lahat ng memorya sa utak mo na kasama sya. Kung bakit ba naman kasi ang hirap kalimutan ng taong sobrang pinasaya ka at sobrang pinaramdam sayo ang pagmamahal nya. Pero ngayon wala na. Talunan lang ang tingin ko sa sarili ko dahil pinakawalan ko pa sya. Matatagalan pa nga talaga siguro yung araw na masasabi ko sa sarili ko na okay na talaga ako. 100% ba.
Mahirap kasi kapag namimiss mo ang isang tao, lalo na yung mga memories nyo nung magkasama pa kayo. :| Tama?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento