Mahirap mahulog ang loob mo sa isang tao na alam mong sa huli ay iiwan mo lang rin sya. Kahit ipaglaban mo pa sya, walang saysay yun dahil hindi mo naman kontrol ang lahat. Hindi mo alam kung ano ang mga mangyayari sa mga darating pang araw. Minsan naman, talagang nananadya ang pagkakataon, kung kailan mo pa nahanap ang taong magpapasaya sayo, makakaranas ka ng napakahirap na pagsubok sa buhay. Sa bandang huli, hindi mo kakayanin ang laban na ito at susuko ka na lang.
Saludo nga ako sa mga taong may perpektong relasyon. Kahit anong pagsubok pa ang dumating, nakakayanan nila. Bilang lang din ang mga araw na nag-aaway sila. Kahit matagal na ang relasyon ay napapanatili pa rin nila ang matatamis na lambingan at ang init ng pagmamahal.
Ilang beses na nga ba akong nakakita ng isang perpektong relasyon? Siguro ay mga tatlong beses pa lamang. Sila yung mga taong kahit maputi na ang buhok ay nagagawa pa ring mag date sa mall, park, o kahit saan pang pasyalan. Masaya ako na nakasaksi na rin ako ng ganitong pagmamahalan. Ang masaklap nga lang ay pakiramdam ko hindi ko mararanasan ang ganitong uri ng pagmamahal.. dahil nabuhay ako sa panahong ito. Ang panahon kung saan hindi na uso ang salitang seryoso. Puro laro na lang ang nakikita ko sa ngayon. Iilan na lang talaga ang may gusto sa isang seryosong relasyon. Saklap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento