Sinong nagsabing pwede kang maglaro? Aba dre, hindi laruan ang pagmamahal. Magseryoso ka naman paminsan-minsan. Balang araw, magsisisi ka kasi hindi mo naramdaman ang tunay na pagmamahal at kung paano magmahal ng tapat. Pangarap yun ng karamihan.. pero ikaw, anong ginagawa mo? Hindi ka na bata para maglaro-laro na lang.
Hindi nga yan laro na kapag sawa ka na, ibang laro naman ang gusto mo. Tsktsk. Wag ganun, nakakasakit ka eh. Wag ganun.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento