Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita.
Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita. May mga gabi na gusto kong tawagan ka bigla sa cellphone at sabihin sayo na miss na miss na kita. Kahit hindi ko alam ang number mo at hindi mo alam ang sakin at kahit kelan hindi tayo naghingian ng number. Tangina mo. Akala ko ikaw na yung taong kayang tanggapin ako, yung hindi ako iiwan, yung hindi magsasawa sa imperfections ko. Hanggang ngayon wala pa rin akong pinagsisisihan. Kasi sumaya ako. Kasi may natutunan ako. Kasi mas naging malakas ako. Mas naging malakas nga ba? Para ngang humina. Nakakapanghina yung araw-araw na andiyan ka nga pero hindi kita pwedeng kausapin. Hindi pwede kasi ayaw mo na.
Hindi ako pwedeng magreklamo. Ganyan ang buhay eh. Hind ka mahal ng taong mahal mo. Hindi mo mahal ang nagmamahal sayo. :/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento