♥ LOVE ♥

Martes, Setyembre 27, 2011

Gusto kong uminom.

Wala naman akong dinaramdam. Gusto ko lang maranasan uli yung pakiramdam na wala akong pakialam sa paligid ko. Inaantok pero mataas ang energy. Yung ganun… Yung parang nawala ka saglit sa mundo. Or, nawala lahat ng tao sa mundo ng saglit. Gusto kong magpakalasing. Paggising mo kasi, masakit ang ulo mo. Mas okay yun, kesa paggising mo eh naiisip mo na agad ang mga problema at nag-iisip ka kung paano mo maitatago ng isang araw pa ang lahat ng sama ng loob mo. Kung paano mong pipigilan ang sarili mo na magdemand sa mga tao. Kung paano mo kokontrolin ang sarili mo na hindi magwala at sumigaw ng gusto kong maging masaya.

K. Nagdadrama na naman. Shut up, reyjoy.  :P 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento