♥ LOVE ♥

Martes, Setyembre 27, 2011

Sulat ko para sa kanya




Madalas man tayong mag-asaran. Madalas man kitang awayin at laitin, alam mo bang naglalambing lang ako? Mahal kaya kita. Ikaw yung nandyan noong mga panahong lugmok na lugmok ako sa kalungkutan. Lagi mong pinapagaan ang loob ko sa mga words of wisdom mo. Sayo lang ako nakikinig, alam mo ba yun?
Importante ka sa akin. Ayokong mawala yung kung anong meron tayo ngayon. Ayokong mawala ka sa akin. Mahal kita. Sana ay walang magbago sa pag amin kong ito sayo. Alam mo namang kaya kong maghintay eh, sana mahintay mo rin ako. Pero kung ayaw mo, ayos lang yun. Mahal pa rin naman kita. Hindi naman ako humihingi ng kapalit eh. Basta wag ka lang mawawala, ayos na sa akin yun. Mahal kita at paulit-ulit kong sasabihin ito sayo. Ibang iba ka sa lahat ng nakilala ko, alien ka kasi sa paningin ko. HAHA! Biro lang, pinapatawa lang kita. Wag kang magagalit, okay?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento